Kapag nasa Amerika ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano. Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa Amerika maglalaka d ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa Amerika.
Akala nila masarap ang buhay dito sa Amerika. Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disney, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo nanaman mag trabaho ang 10 hours para ipalit sa pinangbayad mo sa ticket mo.
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America, ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
Amerika $6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa pilipinas, sa Amerika $1,095.00.
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sa bihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Madaming naghahangad na makarating sa Amerika. Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng Amerika. Maraming mga Pinoy ang nagtatrabaho ng bente kwatro oras o kaya tatlong trabaho sa isang araw para lang matustusan ang mga pangangailangan sa araw-araw at mga bills buwan-buwan. At para din makapagpadala ng pera sa mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas. Hindi malaki ang sinasahod dito.
Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripis yo ang pag alis mo sa bansang pinagsila ngan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay. Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan...Hindi masamang mangarap na makarating dito pero dapat handa ka sa magiging buhay mo dito.
Salamat sa mga taong nagkaroon ng oras na basahin ito.
Maraming Salamat po!
Maraming Salamat po!